Phippines – Handa ang Communist Party of the Philippines (CPP) na ipagpatuloy ang naudlot na usapang pangkapayapaan.
Inatasan na ng CPP ang New People’s Army (CPP) na palayain ang anim sa kanilang mga bihag o ‘Prisoners of War’ (POW).’
Ayon sa CPP, kung makikiisa ang puwersa ng militar, posibleng makalaya na ang anim bago ang peace talks na gaganapin sa the Netherlands sa February 22 hanggang 27.
Pero kinakailangan munang umatras ang mga militar sa mga lugar kung saan pakakawalan ng mga rebelde ang kanilang mga bihag.
Sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan talaga na maghintay kung mayroong kapanipaniwala at katanggap-tanggap na dahilan para bumalik sa usapang pangkapayapaan.
tag: Luzon, Manila, DZXL 558, Rodirgo Duterte, CPP, Netherlands, Peace Talks, POW