Manila, Philippines – Handa ang Communist party of the Philippines na magbigay ng suporta sa pamahalaan kung hihingin nito ang kanilang tulong laban sa mga teroristang grupong naghahasika ng karahasan sa Mindanao.
Kasunod ito ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na suweldo at iba pang benepisyong tulad ng natatanggap ng mga tunay na sundalo, kapalit ng pagtulong ng mga komunista pati na rin ng Muslim guerillas laban sa extremist groups na kumukubkob ngayon sa Marawi City.
Sabi ni National Democratic Front Senior Adviser Luis Jalandoni, tulad ng Duterte Adminstration ay tutol din sila sa ginagawang panggugulo ng Maute Group at Abu Sayyaf sa Mindanao.
Matatandaang una nang ini-urong ng pamahalaan ang ika-lima sanang round ng usapang pangkapayapaan kasama ang mga komunistang rebelde matapos mag-anunsyo ang mga ito ng mas maigting na opensiba laban sa tropa ng gobyerno dahil sa martial law.
DZXL558