Malakanyang, nagpaliwanag sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuwayin ang Korte Suprema sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Malakanyang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa nitong suwayin ang Supreme Court sakaling magdesisyon laban sa kanyang posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi naman ito literal na nangangahulugang susuwayin nga ng pangulo ang Korte Suprema.

Aniya, pagbibigay-diin lang ito ni Pangulong Duterte na tanging ang mga militar at pulis ang nakakaalam sa tunay na sitwasyon sa ground.


Kaya sa militar at pulis umano makikinig ang pangulo hinggil sa martial law.
DZXL558

Facebook Comments