CPP-NPA armory sa Laguna, sinalakay ng mga pulis

Narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang iba’t ibang klase ng mga powered firearms, mga bala at pampasabog matapos salakayin ang CPP-NPA armory sa Barangay Market Area, Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay PNP Chief, Police General Debold Sinas, isinagawa ang pagsalakay matapos na mag-isyu ng search warrant ang Regional Trial Court Branch 66 ng Tanauan City, Batangas, laban sa isang Maritess Santos David alyas Teacher Laly dahil sa kasong R.A. 9165.

Pero wala sa area si alyas Teacher Laly nang isagawa ng mga pulis ang pagsalakay.


Nakuha sa armory ang iba’t ibang mga armas, pampasabog at mga dokumento ng CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments