Agusan del Sur – Hindi welcome at hindi na maaring pakalat-kalat pa ang simumang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa buong bayan ng sibagat sa lalawigan Agusan del Sur.
Ito ay kasunod ng ipinasang resolusyon ng sibagat municipal council na nagdedeklarang persona non-grata ang CPP-NPA.
Sa report ng DILG, Ginamit na dahilan ng resolution number 137-18 ang marahas na pag-atake ng NPA sa new tubigon patrol base kung saan dinukot ang 12 Cafgu active auxiliaries o caa at 2 sundalo noong madaling-araw ng December 19, 2018.
Pirmado ni Mayor Maria Liza Evangelista at lahat ng legislative council ng bayan ng sibagat ang inilabas na kautusan.
Nakasaad sa resolusyon na nagdulot ng matinding pangamba sa pamilya ng mga na-hostage ang ginawang ito ng NPA.
Giit ng municipal council, ang aksyong ito ng mga rebelde ay pagpapakita lamang nang hindi pagkilala sa kapayapaan at panggugulo sa katiwasayan ng isang komunidad.