CPP-NPA-NDF, hindi na raw “magpapa-uto” kay Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Kumbinsido si Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison na mahihirapan na si Pangulong Rodrigo Duterte na kumbinsihin silang ituloy ang peace negotiation.

Sabi ni Sison, hinding-hindi na sila magpapauto sa Duterte administration lalo na’t napatunayan nilang sinungaling ito at hindi karapat-dapat na pagkatiwalaan.

At tila nababaliw na rin aniya si Pangulong Duterte sa kagustuhan nitong hikayatin ang mga miyembro ng New People’s Army na sumuko at umanib na lang sa tropa ng gobyerno.


Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na magpapatuloy lamang ang peace talk kung magdedeklara ng ceasefire ang komunistang grupo.

Facebook Comments