Philippine News Agency, may suspek na sa posibleng nananabotahe sa kanilang website

Manila, Philippines – May nagtatangka raw manabotahe sa website ng Philippine News Agency o PNA.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications USec. Joel Egco, kung saan mayroon daw sumusubok na makapasok sa website kahit naka-down na ito.

Sabi pa ni Egco, mayroon na siyang hinala kung sino ang posibleng nasa likod ng tangkang pananabotahe pero gusto pa rin niyang makasiguro.


Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation at sa Dept. of Information and Communications Technology para ma-imbestigahan ang insidente.

Facebook Comments