CPPNDF, hinikayat ni Pangulong Duterte na gamitin ang government channel na PTV 4 para iparating ang kanilang mga hinaing

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi gagamitin ang government channel na PTV 4 para sa mga propaganda ng pamahalaan o para sa kanyang personal na agenda kundi bilang isang independent na TV network.

 

Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng Cordillera hub ng PTV 4 sa Baguio City, sinabi nito na magiging bukas ang PTV 4 para sa lahat ng Pilipino at hindi magagamit sa kanyang personal na pakinabang.

 

Nakahanda na rin ang grant na ipagkakaloob ng gobyerno upang magkaroon na ng kalayaan ang PTV 4 na tulad ng British Broadcasting Corporation (BBC) sa Inglatera, magiging malaya itong makapagbalita ng positibo o negatibo kahit na ang pondo nito ay nanggagaling sa gobyerno.

 

Hinikayat din ng Pangulong Duterte ang CPP-NPA na gamitin ang PTV 4 para pag-usapan ang kanilang mga hinaing at marinig ng taong bayan dahil mula sa bulsa ng bayan ang ginagamit na pondo para sa pagpapatakbo ng nasabing istasyon.

Facebook Comments