CPPNDFP, humihingi ng sapat na panahon sa peace panels ng gobyerno para makapagpatupad ng unilateral ceasefire

Manila, Philippines – Humirit pa ng sapat na panahon ang CPP-NPA-NDFP para makapagpatupad ng unilateral ceasefire.

 

Sa harap ito ng matagumpay na back channeling talks sa pagitan ng peace panels ng gobyerno at ng komunistang grupo sa Norway.

 

Sabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, kailangan pang maibaba ang naturang kautusan sa kanilang mga miyembro sa field.

 

Paliwanag pa ni Dureza na kahit nagkasundo na ang gobyerno at mga lider ng CPP-NPA-NDFP na magkaroon ng bilateral ceasefire ay pag-uusapan pa ito sa ika-apat na round ng peace talks na mangyayari sa unang Linggo ng Abril sa Norway.

 

Ito ay para matukoy kung paano ang mga gagawing hakbang sa pagpapatupad ng tigil-putukan.

Facebook Comments