CAUAYAN CITY – Dumalo sa Crab and Mangrove Festival ng Buguey, Cagayan, ang Department of Tourism (DOT) Region 2.
Tampok sa nasabing pista ang mga aktibidad na nagpapakita ng kultura at tradisyon ng kanilang lugar gaya ng mga cultural heritage maging ang kanilang crab and mangrove production.
Bukod dito, ipinagmalaki rin ng nasabing bayan ang iba’t ibang luto ng alimango at ang kanilang Crab Festival Dance kung saan ay nagdagdag kulay sa kanilang pagdiriwang.
Nagkaroon din ng Drum and Lyre Competition kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang galing sa pangtugtog at musika.
Samantala, sinuguro naman ng Kagawaran ng Turismo ang patuloy na suporta sa lokal na pamahalaan ng Buguey upang umunlad pa ang turismo sa kanilang bayan.
Kung matatandaan, kinilala ng naturang kagawaran ang Buguey bilang “Crab Capital of the North Philippines”.