Nagbigay ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng police commanders na paigtingin ang kampanya kontra ilegal na operasyon ng e-sabong sa bansa.
Ang direktiba ng PNP chief ay kasunod na rin nang natanggap nitong impormasyon kung saan mayroon pa ring e-sabong sa bansa kahit pinatigil na ang operasyon nito ni dating Pang. Rodrigo Duterte dahil sa mga negatibong epekto nito.
Ayon kay Azurin, nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng National Support Unit (NSU) para pagtulungang hanapin at patigilin ang mga ilegal na nag o-operate ng e-sabong.
Paliwanag nito, may nakalap din silang impormasyon kung saan maging ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa ibayong dagat ay nalululong na rin sa e-sabong.