Philippine Embassy sa Singapore, isasara ng tatlong araw

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Singapore na tatlong araw silang pansamantalang sarado.

Ito ay simula bukas, December 7, 8 at 9.

Layon nito na bigyang daan ang paglilipat ng tanggapan ng embahada ng Pilipinas sa Singapore.


Muli namang babalik ang operasyon ng Philippine Embassy sa Lunes, December 12.

Samantala, nag-abiso rin ang Philippine Posts sa iba’t ibang bansa na suspendido ang kanilang operasyon sa Huwebes, December 8 para sa Feast of the Immaculate Conception.

Facebook Comments