Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na mahigpit na bantayan ang indiscriminate firing at bentahan ng ilegal na paputok.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ito ay upang maiwasan ang mga aksidente at sunog sa pagsalubong ng bagong taon.
Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng ₱20,000 hangang ₱30,000 at maaari ding makulong sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon.
Mahaharap naman sa kanselasyon ng business permit ang mga establisiyimento habang kukumpiskahin ang kanilang mga ibinebentang iligal na paputok.
Facebook Comments