Crane Operator, Nalunod-Patay!

Wala nang buhay nang maiahon mula sa ilog ang katawan ng isang crane operator sa bahagi ng Bucao bridge Brgy. Keat, Nagtipunan, Quirino.

Sa ipinarating na ulat ni P/Capt Dominic Rosario, hepe ng PNP Nagtipunan kay P/Capt. Reynold Gonzales, tagapagsalita ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), nakilala ang biktima na si Christopher Cornelio, 40-anyos, may-asawa, crane operator at residente ng Janet Extn. Banlat, Tandang Sora, Quezon City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na habang tatawid sana sa ilog ang biktima kasama ang ilan sa mga kasamahan nito ay biglang bumuhos ang malakas ng ulan sa lugar kung kaya’t natangay ito ng malakas na agos ng tubig.


Kaugnay nito, natagpuan lamang kaninang umaga ng mga barangay opisyal ang bangkay ng biktima sa ilog na pansamantalang nakalagak ngayon sa isang punerarya.

Facebook Comments