Performance ng 3 gabinete aprub kay PRRD

Manila, Philippines – Bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa performance ng kanyang gabinete sa nakalipas na 3 taon.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, na nitong nakalipas na 2 linggo nagkaroon ng interview ang Pangulo sa mga miyembro ng gabinete.

Ayon kay Andanar may top 3 si Pangulong Duterte sa kanyang mga gabinete.


Kabilang dito sina DPWH Secretary Mark Villar, DOTr Secretary Arthur Tugade at DTI Secretary Ramon Lopez na pawang mga pinuno ng Build Build Build Program ng administrasyon.

Sinabi pa ni Andanar na kung magkakaroon man ng rigudon sa mga gabinete ay minor lamang ito at iilan lang ang maaapektuhan.

Facebook Comments