Nakatakdang mag-lapse bilang batas sa March 27 ang panukalang bawasan ang corporate income tax.
Ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE Act) ay ikinokonsiderang stimulus package para sa mga negosyo – na ratipikado na ng Kamara at Senado noong Pebrero.
Ang panukalang batas ay certified as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2020.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung hindi pipirmahan o ive-veto ni Pangulong Duterte ang CREATE bill ay awtomatiko itong magiging batas sa susunod na linggo.
Sa ilalim ng CREATE bill, pinapababa nito ang corporate income tax rate mula 30% patungong 20% para sa micro, small at medium enterprises na may net taxable income na hindi hihigit sa ₱5 million at mayroong total assets na mababa sa ₱100 million.
Una nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagpasa sa batas ay layong makahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa bansa.