CREATIVE INDUSTRIES SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, PINAGTITIBAY

Isinusulong ni 4TH District Representative Christopher De Venecia ng Pangasinan ang progresibong malikhaing industriya sa lalawigan.
Alinsunod dito, nakipagpulong ang Kongresista kay President Adviser for Creative Communications Sec. Soriano at DTI – Competitiveness and Innovation Group Usec. Aldaba tungkol sa mga hakbang na gagawin sa pagsasakatuparan nang mas mahusay at mas epektibong ipinasabatas na RA 11904: Philippine Creative Industries Development Act.
Tinalakay din ang usapin ng paghanay ng tanggapan sa policy statement sa Pangulo ng Pilipinas na mas magpapatibay ng creative industries ng lalawigan ng Pangasinan at ng bansa.

Nagpapatuloy pa rin ang pagtataguyod ng nasabing programa para sa #TheFutureisCreative ng lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments