Credentials ng walong foreign diplomats, natanggap na ni Pangulong Duterte

Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang credentials ng walong foreign diplomats sa Malakanyang.

Isa na rito si Ilan Fluss, envoy mula sa Israeli na una nang nagtungo sa bansa noong 1995.

Ayon kay Pangulong Duterte, malaki ang pasasalamat niya sa Israel dahil sa tulong nito sa lahat ng Pilipino sa Israel sa gitna ng pandemya lalo na ang COVID-19 assistance sa bakuna, medical supplies, equipment at pamamahagi ng kaalamn sa bansa para magamit sa pagtugon sa pandemya.


Humingi naman ng paumanhin ang pangulo sa Jewish Community dahil sa paghamak nito sa kasaysayan ng mga hudyo.

Maliban kay Fluss, ilan pa sa mga ambassadors na namahagi ng kanilang credentials ay sina:

-Hisham Sultan Al Zafir Al Qahtani of Kingdom of Saudi Arabia
-Michel Parys of Belgium
-Laure Beaufils of the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland
-Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi of the United Arab Emirates
-Marco Clemente of Italy
-Annika Thunborg of Sweden
-Leopoldo Lazatin of Malta

Facebook Comments