Credit card bills at iba pang bayarin, pwedeng hulugan base sa itinatakda ng proposed ‘Bayanihan 2’

Pwedeng bayaran ng hulugan hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon ng walang interes ang credit card bills gayundin ang naipong renta sa loob ng community quarantine.

Ang mga institutsyon naman na nagbibigay ng tubig, kuryente pati ang mga telecommunication company at ibang utilities ay dapat magpatupad ng 30-day grace period sa pagbabayad ng consumers sa mga bill na pumasok habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Lahat ng ito ay nakapaloob sa panukalang Bayanihan to Recover as One o ‘Bayanihan 2’ na naipasa na ng second reading at sisikaping mapagtibay bago mag-adjourn ang sesyon ngayong linggo.


Ayon kay Senator Sonny Angara, Chairman ng Committee on Finance, tulong ito sa maraming naapektuhan ng lockdown dahil marami ang nawalan ng kita.

Nasa ilalim din ng panukala ang pagbibigay ng mga 30-araw na palugit para mabayaran ang mga utang sa bangko, financial institutions at lending companies.

Inoobliga rin ng panukala ang Landbank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na magbigay ng mababang interest rate sa mga pautang para ma-engganyo ang mga non-essential businesses na magpatuloy sa pagne-negosyo.

Facebook Comments