Crime incident sa Metro Manila, bumaba ng 9% ayon sa NCRPO

Bumaba ng 9% ang crime incident sa Metro Manila ngayon taon 2021 kumpara noong 2020.

Ito ay ayon sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa kanilang datos, 29% ang binaba murder incident kung saan noong 2020 ay mayroong 687 murder incident at bumaba ito sa 490 ngayong taon.


34% naman ang ibinaba ng physical injuries incident kung saan nakapagtala ang NCRPO ng 1,122 incident noong nakaraang taon at 741 naman ngayong taon.

Bumaba na rin ng 18% sa carnapping of motorcycle, 16% ang homicide, 11 % sa robbery, 9% sa carnapping of motor vehicle, 8% sa rape case, 3 % sa theft at 25% para sa iba pang special complex crimes.

Facebook Comments