SUNOG, SUMIKLAB SA ISANG BAHAY SA MAPANDAN ILANG ORAS BAGO ANG PAGSAPIT NG BAGONG TAON

20
Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Nilombot, Mapandan ilang oras bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Isang residential house na pagmamay-ari ni Delia Sarmiento, 54 anyos ang biglang tinupok ng apoy.
Batay sa paunang imbestigasyon ng BFP Mapandan na nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay mula sa isang kwarto.

Agad naman narespondehan ito ng BFP at ang sunog ay agad namang naapula ng BFP at wala rin umanong nasaktan sa pangyayari.
Umabot lamang din sa unang alarma ang sunog.
Sa ngayon ay tinitignan pa ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog at sa kabuuang halaga ng nasira dahil dito. | ifmnews
Facebook Comments