Ikinumpara ang mataas na crime incidents noong 2020 matapos makapagtala ng 2,654 habang malaki naman ang ibinaba nitong 2021 na nasa 2,242 crime incidents.
Sa naturang bilang ng insidente, nakapagtala ang bayan Bayombong ng mataas na bilang ng krimen na mayroong kabuuang 574 samantalang bayan naman ng Ambaguio ang pinakamababang bilang ng naitalang krimen na nasa 26.
Mula sa datos ng PNP, may significant increase ang naitalang krimen sa bayan ng Diadi, kung saan taong 2021 ng makapagtala ito ng 84 crime incidents kumpara noong 2020 na mayroon lamang 51.
Sa kabilang banda, bumagsak sa 50.56% ang crime incident sa bayan ng Quezon mula sa 109 noong 2020, kung saan mayroong lamang itong 54 noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga naitalang krimen ang reckless imprudence na umabot sa 1,318 o 58.79% kung saan mayroong 79 na kaso ng reckless imprudence resulting in homicide; 463 kaso ng reckless imprudence resulting in physical injuries; at 776 kaso ng reckless imprudence in damage to properties.
Samantala, 41.21% (924) ng kabuuang insidente ng krimen para sa 2021 ay index at non-index na krimen.
Kabilang sa mga index crime ang Rape (63 cases), Theft (26 cases), Physical Injuries (21 cases), Robbery (17 cases), Carnapping of Motorcycle (10 cases), Murder (9 cases), Homicide (5 cases), at Carnapping ng Motor Vehicle (3 case).
Ang mga non-index crime na naitala ay 13 Frustrated Murder, 42 Frustrated Homicide, 511 na paglabag sa Special Penal Laws, at 2014 iba pang non-index crimes.