Bumaba na ang crime index habang patuloy na gumaganda ang crime solution sa bansa sa nagdaang limang taon.
Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Guillermo Eleazar, bumaba na sa 64% ang crime index sa bansa habang tumaas din ang crime solution sa 86%.
Aniya, ang malaking improvement na ito ay dahil sa pagsuporta ng pamahalaan sa kapulisan.
Kabilang na rito ang pagdoble sa sahod ng mga pulis, pagbibigay ng kagamitan sa PNP, pinaigting na operasyon laban sa illegal drugs, mga ordinansa at mga batas para sa anti-criminality efforts.
“Dalawang functions na ito for this first 5 years ay bumaba po ng 64% ang ating index crime, the barometer of peace and order. Doon naman sa pangalawang function natin na crime solution eh tumaas po ng 86% iyong dati na 26% iyong crime solution, meaning for every 4 crimes, isa yung nasu-solve. Ito pong huling period natin, last 5 years, naging 49% siya so sa bawat 2 kaso, isa naso-solve.” ani Eleazar.