Crime prevention mas tutukan ng PNP sa NCR kasunod nang pagbaba sa Alert Level 2

Pinapatutukan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang crime prevention partikular na sa mga bisinidad ng mga mall.

Ito ay matapos maibaba sa Alert level 2 ang National Capital Region (NCR) kung saan inalis na ang general curfew.

Bukod dito, ipatutupad din ang mas mahabang mall operations hanggang alas-11 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes simula November 15.


Ayon kay PNP Chief, inaasahan na habang papalapit ang Kapaskuhan at mas maraming tao ang nasa labas ay mas magiging aktibo ang masasamang loob.

Bilin nya rin ito sa mga police commander na makipag-ugnayan sa management ng mga mall para sa seguridad ng publiko.

Muli ring paalala ng chief PNP sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum public health standards, katulad ng pagsusuot ng face mask at pagtiyak sa physical distancing.

Facebook Comments