Pagbili at pagbenta ng boto, labag sa batas at moralidad – simbahang Katolika

Muling nagpaalala ang simbahang Katolika sa mga botante na labag sa batas at moralidad ang vote buying at vote selling.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Father Anton Pascual, mali ang pagtanggap ng pera mula sa mga politiko ngayong panahon ng eleksyon.

Aniya, kahit na kapuspalad at hirap sa buhay ay kailangang panatilihin ang dangal.


Samantala, sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na parehong magkakasala ang botante at politiko sa gawaing pagbili ng boto.

Facebook Comments