Crime prone barangays, popostehan ng PNP

Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng mga tauhan sa mga matutukoy na crime prone barangays.

Ayon kay PNP Chief Information Officer Col. Redrico Maranan, ang mga crime prone barangays ay tutukuyin ng local police forces bilang bahagi ng kanilang preemptive efforts laban sa kriminalidad.

Ani Maranan, napatunayan kasing crime deterrent ang pagkakaroon ng police visibility.


Kaya mahalaga ani Maranan ang kooperasyon ng brgy officials upang mapanatili ang peace and order sa kanilang nasasakupan.

Paliwanag pa nito, hindi kakayanin ng Pambansang Pulisya ang pagde-deploy ng pulis sa kada barangay dahil sa kakapusan sa manpower bagkus ang gagawin nila dito ay ika-cluster ang bawat barangay at magkakaroon ng Police Community Precincts, police assistance desks o police outpost.

Target aniya ng PNP na mabawasan pa ang krimen upang magkaroon ng kapayapaan at peace of mind ng bawat mamamayan.

Facebook Comments