CRIME RATE | Bilang ng naitatalang krimen sa bansa, nabawasan – PNP

Manila, Philippines – Bumaba ng 21.48 percent ang crime rate sa buong bansa mula July 2016 hanggang June 2018 kumpara sa parehong panahon noong 2014 hanggang 2016.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasa 1,050,987 krimen ang naitala nila mula July 2016 hanggang June 2018.

Mas mababa ito kumpara sa 1,325,789 kaso sa parehong panahon noong 2014 hanggang 2016.


Ang mga krimen gaya ng homicide, physical injuries, at rape ay bumaba rin maliban sa murder na tumaas sa 19,210 o 1.50 percent.

Bukod rito, bumama rin ang kaso ng robbery, carnapping, castle rustling at pagnanakaw.

Ayon kay Pnp Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, ang pagbaba ng crime rate sa bansa ay bunsod ng mas pinaigting na kampaniya kontra ilegal na droga, peace and order at pakikipag-tulungan sa publiko.

Facebook Comments