
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ay patuloy na bumaba ang Focus Crimes mula Oktubre hanggang Nobyembre taong kasalukuyan.
Bumaba ng 12.86 porsyento ang kabuuang kaso na naitala noong Oktubre na nasa 3,001 kumpara sa 2,615 na kabuuang kaso nitong Nobyembre.
Ayon kay Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr., ang patuloy na pagbaba ng krimen sa bansa ay nagpapakita lamang ng indikasyon ng mas pinaigting na presensya ng pulis, mas maayos na intelligence operations, at mas matatag na policy sa pagpapatupad ng batas.
Kung saan ang kaso ng rape ang may pinamakamalaking ibinaba, sinundan ng physical injury, murder, theft at carnapping ng mga motorsiklo.
Sa kaso naman ng cybercrime ay bumaba rin ng 17.94%, indikasyon ito na nakaantabay sa digital landscape ang mga kapulisan.
Bukod sa month-to-month comparison, bumaba ng 39% ang kaso ng krimen sa bansa simula Disyembre 2 hanggang 8.
Tiniyak naman ng PNP na patuloy silang mag-fo-focus sa mga targeted operations, magpaparamdam ng presensya ng kapulisan at magpapatibay sa pakikipagugnayan sa komunidad lalo na ngayong holiday season.









