Bumaba ang bilang ng naitatalang krimen ng Philippine National Police (PNP) simula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nasa 55% ang ibinaba sa crime rate sa Pilipinas.
Aniya, nakatulong ang quarantine para gawing stable ang peace and order sa bansa.
Noong March 31, iniulat ng PNP ang pagbaba ng crime rate sa 56% sa gitna ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.
Kapansin-pansin naman ang bahagyang pagtaas sa crime rate kasabay ng pagpapaluwag sa lockdown restrictions.
Facebook Comments