Bumaba ang bilang ng naitatalang krimen ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, mula March 17 hanggang May 23, bumaba ng 60% ang index crime sa bansa sa nakalipas na 68 araw.
Aminado naman si Eleazar na posibleng tumaas muli ang crime rate oras na alisin na ang quarantine at bumalik ang full economic activities.
Gayunman, hindi na aniya ito babalik sa dati nitong rate dahil sa mga ipinatutupad na hakbang ng PNP na magiging bahagi na ng ‘new normal’.
Isa aniya sa posibleng maging hamon sa kanila ay ang paghalo ng mga kriminal sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask.
Sa ngayon, 71,800 police personnel ang naka-deploy sa Campaign Against COVID-19 ng Task Force.
Bukod sa mahigit 4,000 Quarantine Control Points (QCP), nagpapatuloy din aniya ang kanilang anti-criminality operations.