Crime rate sa bansa, bumaba ng 61% sa panahon ng ECQ

Bumaba ng 61% ang bilang ng mga krimeng naitatala sa bansa sa gitna ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, bunga rin ito ng pagpapatupad ng curfew.

Dahil dito, sinabi ni Eleazar na dapat nang maging bahagi ng ‘new normal’ ang curfew kahit alisin na ang mga ipinapairal na community quarantine.


Sa pamamagitan aniya ng curfew, mababawasan ang pagkakataon ng isang indibidwal na gumawa ng krimen.

Facebook Comments