Cauayan City, Isabela- Bumaba sa 41% ang crime rate sa Lungsod ng Cauayan mula Marso 16 hanggang Mayo 6, 2020 kumpara sa kaparehong petsa noong 2019.
Gayun din ang naitalang krimen sa Lungsod mula Enero 1, hanggang Marso 15, 2020 na bumaba sa 9.46 porsiyento.
Ayon sa ulat ng PNP Cauayan Investigation section, 20.08% ang average monthly crime rate noong Marso 17 hanggang Mayo 6, 2020, 17.16% noong Enero 1 hanggang Marso 16, 2020 at bumaba pa sa single digit na 7.66% noong Marso 17 hanggang Mayo 6 taong kasalukuyan.
Ito ay ang mga panahon na nasa ilalim na ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Lungsod ng Cauayan.
Mula sa 15% na index crime noong unang araw ng 2020 hanggang sa bago ibaba ang ECQ noong Marso 15 ay bumaba sa 3% mula Marso 17 hanggang Mayo 6, 2020 samantalang doble ang ibinaba ng total crime volume sa 21% mula sa 97%.
Ayon sa mga imbestigador ng PNP Cauayan, nakatulong ang pagpapatupad ng ECQ para mapigilan ang paglaganap ng krimen sa Lungsod dahil nalimitahan na ang galaw ng mga tao dahil sa curfew at tanging mga Authorized Person Outside Residence o APOR lamang ang pinapayagang makita sa lansangan at lumabas sa mga tahanan.
Sa kabuuan, bagamat aminado sila na hindi man perpekto ay naniniwala ang mga imbestigador na maayos na naipatupad ang mga protocols ng ECQ base na rin sa mga naitalang datos.