Cauayan City, Isabela- Sumadsad ang crime rate sa buong lalawigan ng Isabela ng 78.24% sa first quarter ng taong kasalukuyan kumpara sa nagdaang taon na 2021.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Amy Dela Cruz, Chief ng Provincial Information Office ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakapagtala ng kabuuang bilang ng krimen na 2,523 ang buong lalawigan sa first quarter ng nakaraang taon na 2021.
Samantala, nakapagtala lamang ng 549 na kabuuang bilang ng krimen nitong nagdaang first quarter ng taong kasalukuyan kung saan napakalaki ng ibinaba nito mula sa first quarter ng nagdaang taon.
Patuloy naman na nagpapaalala ang kapulisan na bukas ang kanilang himpilan para sa lahat ukol sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa ating komunidad lalo pa sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa at summer vacation.
Facebook Comments