San Juan City – Nagpapatuloy ang imbestigayon kaugnay sa pagkamatay ni Michael Marasigan, dating journalist, at kapatid nito na si Christopher matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa San Juan City kagabi.
Ayon kay Sr. Supt. Lawrence Coop, hepe ng San Juan pulis, nakausap na nila ang pamilya ng biktima pero limitado lang ang sagot sa kanilang mga tanong.
Dahil sa limitadong impormasyon, muling bumalik sa crime scene ang mga tauhan ni Coop para sa iba pang ebidensya at silipin na rin ang mga CCTV malapit sa pinangyarihan ng pamamaril.
Napag-alamanan na si Michael Marasigan ay dating reporter sa Business World hanggang 2004.
Kabilang sa inaalam ng pulisya kung konektado ba sa kasalukuyang raket ng biktima ang motibo sa krimen.
Si Michael at ang kapatid nito ay tinambangan sa Barangay Sta. Lucia sa San Juan City kagabi kung saan nakita sa crime scene ang 34 na iba’t ibang uri ng basyo ng bala ng baril indikasyon na walang balak buhayin ang magkapatid na biktima.