Pulis at sinasabing girlfriend, arestado sa buy bust operation ng PDEA sa Gensan

General Santos City – Arestado sa isinagawang buy bust Operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 12 ang isang aktibong pulis at sinasabing girlfriend nito sa Queen Tuna Park, Barangay South Gensan pasado alas 12:00 kahapon.

Kinilala ang pulis na si PO3 Joel Estabillo, naka-assign sa President Quirino Municipal Police Station sa Sultan Kudarat habang kinilala naman ang girl riend nito na si Maribel Baguio, residente ng Gensan.

Sinabi ni PDEA12 Regional Director Gil Cesario Castro, isa si PO3 Estabillo sa umano’y mga narco cops na binabantayan nila sa rehiyon.


Narekober mula sa mga suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, buy bust money na P500 at ang 9mm caliber pistol na isyu ng PNP kay PO3 Estabillo.
Kasong Selling of illegal drugs o paglabag sa republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing pulis at ng girlfriend nito.

Facebook Comments