Kontrolado ng Philippine National Police (PNP) ang peace and order situation sa bansa.
Ayon sa Pambansang Pulisya, tumaas ang solution efficiency sa lahat ng uri ng krimen base narin sa kanilang crime management data.
Sa unang quarter ng 2023, naresolba ng PNP ang 81,185 crimes mula yan sa kabuuang crime volume na 92,774.
Nangangahulugan ito ng 87.51%crime solution efficiency na one percent improvement mula sa 86.11% crime solution efficiency nuong nakalipas na taon.
Base pa sa datos, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na numero ng krimen sa bansa na halos one third ng kabuuang total number of crime incidents.
Pero sa kabila nito, ang Metro Manila rin ang nakapagtala ng most efficient crime solution sa bansa na nasa 92.58 percent kung saan sinundan ito ng Region 4A, at Central Visayas.
Ang Non-index crimes tulad ng illegal drugs, reckless imprudence resulting to damage to properties or homicide, violence against women and children and child abuse ang nangunguna sa pinaka maraming kaso na naitala ng PNP o 38,136 incidents.
Habang ang index crimes, o offenses against persons and properties ay umaabot naman 8,671 incidents sa unang quarter ng 2023.