Nasa 31-repatriates mula sa Sudan, nakauwi na sa bansa

Balik bansa na ang may 31 repatriates o iyong mga Pilipinong nasagip ng pamahalaan buhat sa bansang Sudan.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang naturang repatriates sakay ng Malaysia Airlines Flight MH806.

Ayon sa Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA), sinamahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Labor Attaché Adam Musa ang mga Pinoy repatriate buhat pa sa Sudan.


Sinalubong naman sila ng mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), DMW at OWWA, kung saan binigyan din sila ng pagkain at iba pang airport assistance.

Nagbigay rin ng tulong pinasyal ang OWWA sa mga umuwing kababayan bilang panimula muli sa kanilang pagbabalik bansa.

Facebook Comments