Cauayan City, Isabela – Bumaba ngayong taong 2018 ang crime volume sa lungsod ng Cauayan kumpara sa nakalipas na taong 2017.
Ito ang naging pahayag sa RMN Cauayan ni Police Chief Inspector Benigno Asuncion, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan City.
Sinabi niya na mula January 8, 2018 hanggang November 20, 2018 ay may kabuuang crime volume na 762 kung saan ang crime index ay nasa 123 at ang non index crime ay nasa 639.
Iginiit pa ni PCI Asuncion na kung ikukumpara ito sa taong 2017 ay bumaba ang krimen sa Cauayan City sa kaparehong period na umano’y bunsod ng mga isinasagawang programa ng PNP at sa pakikipagtulungan ng POSD hinggil sa no helmet no driving policy.
Samantala, isa sa binibigyan ng pansin ng PNP Cauayan City ay ang drug prevention kung saan ay kasalukuyan parin umano ang pagpapatupad ng Community Base and Rehabilitation Program (CBRP) sa mga tokhang reponders.
Sinabi ni PCI Asuncion na may kabuuang 836 tokhang responders sa lungsod ng Cauayan at may nakapagtapos na ng CBRP na 703 kung saan ang natirang 97tokhang responders ay hindi na mahanap o maaring nasa ibang bansa na.
Kaugnay pa nito, sa 65 barangay ng Cauayan City ay mayroong 46 drug affected barangay at 19 drug free barangay o hindi nagkaproblema hinggil sa droga.
Nasa 15 drug cleared barangay naman sa naturang lungsod at apat na lamang ang isasailalim sa ebalwasyon ng PDEA at LGU upang maging drug cleared barangay.