CRIME VOLUME | Naitalang krimen sa Maguindanao, bumaba

Maguindanao – Bumaba ang mga naitalang krimen sa Maguindanao ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni PNP ARMM Director, Police Chief Superintendent Graciano Mijares na bumaba ang crime volume o bilang ng krimen ng 31% mula Enero hanggang Mayo ngayong 2018 kumpara noong isang taon.

Ang crime index na 268 incidents noong nakaraang taon ay naging 166 incidents na lamang ngayong taon o 38%.


Samantala ang non-index crime naman na 375 incidents ay bumaba sa 280 o 25%.

Sabi ni Mijares, ito ay resulta ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga at loose firearms.

Giit naman ng opisyal na makakaasa ang mga mamamayan ng lalawigan at maging sa buong ARMM Region na ipagpapatuloy nila ang mga programang ito para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa rehiyon.

Facebook Comments