CRIMINAL CHARGES | DOJ, inatasan na ang NBI para sa case buildup ukol sa PDAF scam

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na ipagpatuloy ang case buildup sa mga iregularidad sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Guevarra, nahirapan ang NBI sa pagsasagawa ng imbestigasyon matapos magsampa ng criminal charges sa Ombudsman laban sa ilang mambabatas at executive officials noong nakaraang administrasyon.

Maari rin aniyang tumestigo si Janet Lim-Napoles sa reinvestigation kahit tinanggal siya sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).


Ang NBI na ang bahala kung paano nila kukunan ng testimonya si Napoles sa pagbuo ng mga bagong PDAF cases.

Facebook Comments