Criminal group leader na may kasong pagpatay at most wanted person sa Isabela, naaresto ng PNP-CIDG

84

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang criminal group leader na may kasong pagpatay at most wanted person sa Isabela.

Kinilala ang criminal group leader na si Gaspar Edduba na naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay at nahuli sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.


Ang grupo ni Edduba ay nag-o-operate sa lalawigan ng Kalinga, Apayao, Isabela, Cayagan at iba pang mga kalapit na probinsya.

Habang ang naarestong most wanted person sa Isabela ay kinilalang si Jefrey Gaboy na may warrant of arrest dahil sa kasong robbery at No. 5 Municipal level most wanted person sa Echague, Isabela.

Patuloy naman ang operasyon ng PNP-CIDG laban sa mga kriminal at mga most wanted person, ito ay kahit mataas ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments