60 pulis, nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19

Sa loob lamang ng isang araw, animnapung (60) pulis ang nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19.

Batay ito sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO).

Kaya naman hanggang kahapon, June 25, 2020, umabot na sa kabuaang 579 ang mga pulis na positibo sa COVID-19 mula sa 519.


Pero sa bilang ng mga nagpositibo, 317 ay gumaling na sa sakit habang siyam naman ang nasawing pulis dahil sa nakakamatay na virus.

Aabot naman sa 674 na mga pulis ang probable cases habang 937 pulis ay may suspected cases ng COVID-19.

Sa kabila naman ng patuloy na pagdami ng mga pulis na nagpopositibo sa virus, nagpapatuloy ang deployment sa mga pulis para ipatupad ang mga quarantine protocol at magsagawa ng law enforcement operations.

Facebook Comments