Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na amyendahan ang criminal provision na nakapaloob sa Section 6 ng Bayanihan to Heal as One Act para maiwasan ang pag-abuso sa panig ng mga kapulisian.
Sa pagdinig ng Senado na pinamunuan ni Senator Sonny Angara, ipinaliwanag ni Drilon na nagagamit ang nasabing probisyon para basta na lang arestuhin at tratuhing parang kriminal ang mga lumalabag sa health protocols.
Diin ni Drilon, ang layunin ng Bayanihan Act ay protektahan ang kalusugan ng mamamayan at hindi para magpataw ng kaparusahan sa mga krimen na saklaw na ng ibang umiiral na batas.
Hindi naman tumutol si Philippine National Police Chief General Archie Gamboa sa nais ni Drilon.
Facebook Comments