Cristine Reyes, in-unfollow ang asawa sa social media

Bumaha ng espekulasyon tungkol kay Cristine Reyes at asawang si Ali Khatibi matapos mapansin ng mga fans na in-unfollow ng aktres ang kanyang asawa sa Instagram.

Sa kasalukuyan ay limang tao na lang ang fina-follow ni Cristine sa Instagram at hindi kasama dito ang asawa, ngunit fina-follow pa rin ni Ali ang aktres. Matatandaan ding nag-post ang aktres noong Enero na humihingi ng prayers.

Nananahimik naman ang mag-asawa tungkol sa mga bulung-bulungan at itinanggi din ng aktres noong Marso na nagkakalabuan sila ni Ali. Ngunit ilang followers ang nakapansin na hindi sila nag-popost ng larawan nang magkasama, at karamihan sa mga larawan ng aktres ay silang dalawa lamang ng anak na si Amara.


Nang tanungin sa isang panayam noong Abril ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina, hindi niya ito kinumpirma at hindi rin itinanggi. Aniya, “Normal lang naman sa mga mag-asawa ang may hindi pagkaka-intindihan. Hindi naman siguro away — indifferences.”

Sa latest na post ni Ali sa Instagram noong May 9 ay makikita ang kanilang anak sa kanyang swimming lessons, na siya namang inulan ng mga komento mula sa fans na nagtatanong kung “quits” na ba sila ni Cristine.

Facebook Comments