Umabot na sa “warning zone” ang paggamit ng critical care facilities gaya ng mga hospital bed sa Cebu City kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t wala pa sa 70% o critical level ang Cebu City, nasa warning zone naman na ang kanilang critical care utilization.
Aniya, naitala nitong Hunyo 21, 2020 ang 13% mula sa 19,718 community isolation beds ang nagagamit sa Cebu City habang 58% ng 1,533 hospital beds ang okupado.
Mahigit kalahati naman o 56% ng Intensive Care Unit (ICU) beds ang okupado sa siyudad habang 37% ng mechanical ventilators ang ginagamit.
Facebook Comments