Umabot na sa ‘danger zone’ ang critical care facilities ng ilang ospital sa Metro Manila sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa depinisyon ng Department of Health (DOH) sa ‘danger zone,’ kung ang utilization rate ng mga hospital ay nasa 70% pataas.
Sa National Capital Region (NCR), nasa 88.42% ng ward beds ang okupado na, 80.96% ng isolation beds ang puno na, 74.22% ng Intensive Care Units (ICU) beds ang ginagamit, at 46.97% ng mechanical ventilators ang okupado na.
Ang ICU beds, isolation beds at ward beds ng mga ospital sa mga sumusunod na siyudad ang nasa danger zone:
– Las Piñas City
– Manila City
– Marikina
– Muntinlupa City
– Pasig City
– San Juan City
– Quezon City
– Taguig City
Ang isolation beds at ward beds sa Caloocan, Malabon at Mandaluyong ay nasa danger zone na rin habang ang ICU beds at ward beds sa Valenzuela ay halos mapupuno na rin.
Bagamat 80% ng ICU beds ng Parañaque ay okupado na, ang iba pang wards nito ay maluwag pa habang available pa ang ilan sa mechanical ventilators nito.
Sa Makati City, ang bilang ng ICU beds at mechanical ventilators ay nasa danger zone na habang ang medical facilities nito ay umabot na sa full capacity para sa isolation beds at ward beds.
Paglilinaw ng DOH, kapag sinabing full capacity na ang isang ospital ay hindi nangangahulugang puno na ito ng mga pasyente, ang tinutukoy dito ay ang mga kama at pasilidad na nakalaan para sa mga COVID-19 patients.