CRITICAL | Water level sa Marikina river, nasa critical level na

Nasa critical level na ang antas ng tubig sa Marikina River sa bahagi ng Montalban, Rizal.

Sa tala ng hydro division ng PAGASA, 7:48 ng umaga umapaw ang ilog o maabot nito ang 24.75 meters na capacity.

Posible na ang pagbaha sa Montalban.


Nakataas din ang alert level sa iba pang bahagi Marikina River sa Sto. Niño, Marikina at Rodriguez, Rizal o ibig sabihin, naabot na ng tubig doon 60 percent na capacity ng tubig.

Nasa alarm level na rin ang Marikina River sa bahagi ng Burgos, Marikina at San Mateo, Rizal.

Nagsisilbi itong precautionary measure dahil naabot na ng tubig sa mga ilog ang 40 percent capacity nito.

Kabilang pa sa mga itinaas ang alarm level ang area ng San Juan River sa bahagi ng Sta. Mesa, Manila at People’s Park sa Quezon City.

Kasama rin ang Tulyahan River sa bahagi ng Quirino, Novaliches at Ugong, Pasig.

Kapag alarm level ay wala pa itong peligro kundi precautionary measure pa lang dahil tumataas na ang tubig sa mga ilog.

Facebook Comments