MASAMANG PANAHON | Passport application, renewal sa Metro Manila, kanselado na

14

Dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Kanselado ngayong araw ang lahat ng operasyon ng DFA Consular Offices sa buong Metro Manila.

Sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng may passport application at passport renewal ngayong araw ay kanselado.

Paalala ng DFA, ang lahat ng may confirmed passport appointments ngayong araw ay ia-accommodate ng ahensya sa loob ng 2 linggo sa kaparehong oras o schedule ng kanilang original passport appointment.

Facebook Comments