Palawan – Patay ang isang 53-anyos na lalaki matapos atakihin ng buwaya sa Barangay Malitub, Bataraza, Palawan.
Kinilala ng Bataraza Municipal Station ang biktimang si Abdulsalam Binang Amerhasan, barangay secretary ng nasabing barangay.
Sa report, bandang alas-otso ng gabi nuong Huwebes nang silipin ng biktima ang kanyang bangka sa Malitub River dahil unti-unti ng tumaas ang tubig bunsod ng walang tigil na ulan.
Ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin umuuwi ang biktima, kaya agad ng lumapit sa community precinct ang 56-anyos na misis nito na si Hamda Sawad Amerhasan.
Natagpuan ang bangkay nito kahapon, December 22 at makikitang tadtad ito ng kagat ng buwaya.
Nasa bahay pa ang labi ni Amerhasan at inihahanda na ang libing nito batay na rin sa tradisyong Muslim.