‘Crop Manager Caravan’ sa mga Magsasaka, Aarangkada sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Sisimulan na sa miyerkules, Hulyo 1, ang isasagawang ‘Crop Manager Caravan’ na pangungunahan ng Philippine Crop Insurance Corporation sa ilalim ng Department of Agriculture.

Ito ay upang matulungan ang maliliit na magsasaka na madagdagan pa ang kanilang kaaalaman sa usapin ng pagsasaka sa kabila ng pandemya.

Batay sa facebook live post, inihayag ni City Mayor Joseph Tan na kinakailangan na makakuha muna ng rice seeds subsidy ang mga magsasaka upang makakuha din ng libreng fertilizer na siyang pangunahing kailangan bago maavail ito.


Aniya, mangyaring magtungo lamang sa tanggapan ng City Agriculture para sa pagkuha ng rice seeds subalit hanggang bukas nalang ito.

Pakiusap naman ng opisyal sa publiko na mangyaring sundin ang mga health protocol standard upang masigurong makaiiwas ang bawat isa sa banta ng virus.

Facebook Comments